Wika ng Pagkakaisa
Sa nakaraan at sa ngayon ay patuloy na hinahasa,
Na ang gamit ay kay daming mga dila,
Ang punyal na kay tagal nang ginawa,
Ay may bukas na rin ng kalawang at dagta.
Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito,
Iba ang sa kanya, iba rin ang sa inyo,
At dahil tayo ay kapwa Pilipino,
Yakapin natin ang wikang Filipino.
Ang wika ay parang apoy na nagbibigay init,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.
Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas,
Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas,
Gamitin natin at gawing lakas,
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
No comments:
Post a Comment